
Kakapalan ko na mukha ko kase nasabi ko na naman sayo yong nararamdaman ko. Mahal na mahal kita. Inisip ko nung una na wag nang sabihin sayo kasi baka lumayo ang loob mo sakin. Inisip ko na pag lumayo ang loob mo maiilang ka na na lumapit sakin sa oras ng problema, Alam mo naman na lagi lang ako nandito para sayo. Alam ko nagtiwala ka na rin sakin. Ako nagtitiwala rin sayo Kaya sana wag mo ikagagalit ang pagtatapat ko sayo. Alam ko kase marami nanliligaw sayo maraming nangungulit, Natatakot ako na magkagusto ka sa isa sa kanila. Kaya sasabay na lang ako sa kanila, sasabayan ko na lang sila baka may puwang ako dyan sa puso mo.
Di ko alam kung ano naging reaksyon mo nung sinabi ko, Pero sana di pa rin nawawala tiwala mo sakin. Di naman ako magbabago sayo ako pa rin yung kaibigan mo na laging nandyan para sayo. Kung naghahangad man ako na mahalin mo rin ako sana mapatawad mo ko. Mahal na mahal talaga kita, Alam na alam ko sa sarili ko kase ngayon lang ako nakaramdam ng gamito, Ibang iba sa lahat ng pakiramdam kaya alam ko totoo to. Nung una na nagkita tayo nung November dun sa labas ng mercury naalala mo ba yon? May binanggit ako sayo non tungkol kay Laarni, Parang gusto lang kita kuhanan ng mga impormasyon non tungkol sa kanya. Tapos naging magkaibigan tayo di ba? Don kita talagang nakilala. Ibang iba ka pala dun sa Bona na kinekwento nila, Ibang iba ka. Ibang pagkatao yung nakita ko sayo.kaya ang laking pasasalamat ko na naka kilala ako ng taong kagaya mo kasi totoong tao ka. Nung naging kaibigan kita akala ko nung una pandagdag ka lang sa listahan ng mga kaibigan ko. Pero ibang iba ka sa lahat Kaya mas pinahalagahan kita sa lahat ng mga kaibigan ko. Oo pinapahalagahan kita kesa sa lahat ng mga naging kaibigan ko. Mas minahal kita sa lahat ng tao na nakilala ko. Aaminin ko sayo ngayon lang ako nagmahal ng tao dahil nakilala ko yung pagkatao nya. Usually kase pag nagmahal ako nauuna yung attraction, I mean pag naatract ako sa isang babae saka ko lang sya mamahalin pag gusto ko yung physicallity nya. Pero sayo ibang iba mas minahal kita dahil sa personality mo, dahil sa pagkatao mo. Date nga ayoko sa mga babaeng umiinom eh, At mas ayaw na ayaw ko sa babae ay yung nag yoyosi, ayoko rin sa mataba. Pero minahal talaga kita mahal na mahal na kita dahil sa pagkatao mo, nakita ko yung puso mo. Minahal kita dahil maganda ang puso mo.
Alam ko nararamdaman ko na may dahilan kung bakit tayo pinagkita. Alam na alam ko. Maaring tumutol ka pero sa tingin ko.,.,. para tayo sa isat isa, Oo para tayo sa isat isa, konek konek talaga mga buhay naten, konek konek talaga. Di mo ba nakikita yung irony? ironic talaga. Pero di nangyayari tong mga bagay na to nang walang dahilan. Sa tingin ko para tayo sa isat isa. Parehas tayo nanggaling sa masamang nakaraan. magkaka konek konek din yon. Pero nalampasan natin lahat yon. Nalampasan natin lahat. Tapos na sila sa buhay naten, Panahon na natin ngayon. Alam ko may mga naka relasyon ka na rin pagkatapos nung nakaraan mo, Ganun din naman ako may mga dumating din sa buhay ko pagkatapos nung masamang nakaraan ko. Pero di mo ba nakikita yung irony na pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana?
Siguro tatawanan mo na ko ngayon, sasabihin mo "weeeeird?" pero seryoso ako sa mga sinasabi ko, May dahilan kaya tayo pinagtagpo, Panahon na natin ngayon, tapos na yung mga nakaraan natin. Bona mahal na mahal talaga kita, yun yung isa pang irony di ko alam kung pano nangyare pero mahal na mahal na talaga kita. Sana pag isipan mo tong mga sinasabi ko. Sabi mo may naging boyfriend ka nung nakaraan nung uminom tayo, pero sabi mo di mo sya mahal sabi mo tanggap nya na may anak ka. Di ko kilala yung lalaking yon pero sigurado ako mas mahigit yung pagmamahal ko keysa sa kanya. Ganun talaga mga lalake pag maganda yung babae okay lang sa kanila kahit may anak kase parang tingin nila sa magandang mapapangasawa ay parang "trophy wife" parang payabang na lang. Pero di ako ganun sayo Oo tanggap ko rin na may anak na alam ko rin na nanggaling ka sa masamang nakaraan, ganun din naman ako, nanggaling din sa masamang nakaraan. Di mo ba naiisip na may ibig sabihin ang lahat, Gaya nga ng sinabi ko, Panahon na natin.
Di ko alam kung ano pa ang gusto mo sa buhay pero may alam ako na hinahanap mo kahit di mo sabihin,., naghahanap ka ng katahimikan,,. di ba totoo? ganun din ako naghahanap din ako ng katahimikan. Gusto mo maging payapa ang isip mo. Ganun din ako. Alam ko masyadong mabilis tong mga sasabihin ko. Pero gusto ko malaman mo na naghihintay ako ng sagot mo kung mahal mo ako o hinde. Bona mahal na mahal kita. Kung ano ang maging desisyon mo igagalang ko. Kung mamahalin mo rin ako gagawin natin kung pano ang gusto mo mangyare. Kung date ikaw ang kino kontrol ngayon iibahin na natin. Gusto ko ikaw ang magpapasya kung papano tayo. Kung mamahalin mo ko, kung gusto mo na maging mag nobyo lang tayo hanggang sa pagtanda natin okay ako ron, Kung gusto mo na magsama tayo gagawin natin. Kung papayag ka kahit ngayong oras na binabasa mo to pakakasalan kita,,. Oo tama yang nabasa mo nakahanda akong pakasalan ka kahit ngayong oras dyan sa munisipyo. Bona mahal na mahal kita sana pag isipan mo to. Sana wag mo sayanging ang pagkakataon natin walang masama kung susubukan mo na mahalin ako. Pwede mo naman akong iwanan kung gustuhin mo, Pero sinisiguro ko sayo kung papano kita mamahalin bilang nobya o bilang asawa or kung ano gusto mo ,. sinisiguro ko hindi ka pa nakakaranas ng ganon.
Igagalang ko kung ano maging desisyon mo.,., Pasensya ka na sa mga pinagsasasabi ko ngayon lang kasi ako naging ganito kasigurado sa nararamdaman ko. Itutuloy lang natin yung mga dapat na nangyari sa buhay natin, Ikaw ginusto mo lang naman na mahalin ka nya ng tapat Ginusto mo na igagalang ka nya Pero di nya yun nagawa sayo. Ako naman ginusto ko lang na mahalin ko sya habang buhay, na makasama sya habang buhay, Pero di talaga kami pepwede sa isat isa. Ituloy na lang natin yon, yong mga pinangarap mo na gagawin nya sayo itutuloy ko para sayo, Yung mga hindi nya nagawa para sayo gagawin ko para sayo, Lahat ng ayaw mo sa kanya ipinapangako ko na hinding hindi mo yon makikita saken, na hinding hindi mo yon mararanasan saken, Mahal na mahal kita, Hinding hindi kita kayang saktan kahit saktan ka sa damdamin mo lang di ko kaya yon, ngayon lang ako nagmahal ng ganito. May mga pagkakamali na rin ako sa buhay na di ko dapat ginawa, wala namang perpekto pero natuto na tayo parehas. Yung mga pangarap ko date ikaw naman ang magtutuloy, Hayaan mo lang ako na mahalin ka yun lang na hindi mo ko iiwan kahit na anung mangyari. Magkakasama tayo sa hirap at sa ginhawa, Na hindi mo ko iiwan, at hindi kita iiwan. Pasensya ka na alam ko iisipin mo nangangarap ako ng gising, Pero maliwanag isip ko ngayon. Bonna mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita. Di ba ang ganda ganda non, na nagmamahalan tayo, na igagalang kita na mamahalin kita higit pa sa buhay ko tos ikaw naman di mo ko iiwanan kahit kailan. Matagal mo nang pinangarap tong pagmamahal na to, Matagal ko na rin pinangarap to, Sana bigyan mo tayo ng pagkakataon, wag natin sayangin ang chance, Alam ko pangit ako pero ako lang ang magmamahal sayo ng totoo nilalahat ko na sila ako lang, Panahon na natin ngayon. Walang half timing half luck dito, alam ko Destiny natin to
Wednesday, March 31, 2010
PANAHON NATIN
Posted by lando at 1:05 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment