BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Friday, April 2, 2010

I MISS YOU


Di ko sure kung nababasa mo to, not that i just want to blog about it, I intend to keep this as some sort of a diary, Sobrang bilis ng araw, Four days na mula nung huli tayong magkita, The more i miss you the more it makes me week, ewan ko ba? basta miss na miss na kita, Ang dami kong gustong gawin pero di ako makapag start, Lagi ka nasa isipan ko. Not saying that you;re doing this to me, Its just that its me being unfair to myself. Ganto lang talaga ko, Part of being me, ugali ko talaga yon, I have always favored love above everything else, "taking on the world that was just my style" ang drama. Pero seriously ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong certainty sa buong buhay ko, Dahil sayo natuto ako maging rational, May ugali ako na I always try to reason myself kahit na alam kung mali, ipipilit ko yun regarding of the circumstances and hindi ko iniisip kung ano kalalabasan. Pero nung minahal kita natuto ako to look beyond what's ahead

Alam ko na kung ano ang dapat kong gawin, Ganito. We'll keep our friendship, ayoko mawala yon, Kung mamahalin mo din ako salamat, Pero kung hindi okay lang di na ko aasa ng mahalin mo ako, Kung mamahalin mo ako, mamahalin mo ako, kung hindi hindi. Alam mo ba yung idiom na "icing on the cake"? kung ikukumpara ko yung sitwasyon nating dalawa sa isang cake, para kang isang slice ng goldilocks na walang icing sa maliit na platito. Well masarap yun, cake pa rin kahit walang icing at kahit kakaunti lang. Means masayang masaya ako na nakilala kita na naging best friend kita. Dont worry di ako magrereklamo na bakit walang icing yun at bakit kakaunti lang, Kuntento na ko sa isang slice ng goldilocks kahit walang icing. Kung bata lang ako sasabihin ko "yung ibang bata nga dyan di nakakatikim nito eh" Im blessed. Thanks Bon you;re the best.

Wednesday, March 31, 2010

MAHAL KITA

Hi, Welcome ka dito sa Site ko, Ginawa ko tong blog na to para sayo Ganito ka ka special ka sakin. Hiyang hiya na kase ko sayo eh, wala na kong mukhang ihaharap pa sayo. Alam ko pinagkatiwalaan mo ko, Pasensya ka na talaga. Di ko rin naman alam na aabot sa ganito ang nararamdaman ko sayo eh.

Alam mo sa papel di ako nahihiya, nasasasabi ko lahat, kahit sa teks., Mas lalo na sa keyboard, kaya ginawa ko tong site na to kase masasasabi ko lahat ng dapat ko sabihin sayo dito. Kase di ko masasabi lahat ng maayos sayo pag magkahharap tayo. Magkakanda pili pilipit dila ko sayo pag sasabihin ko lahat ng sasabihin ko. Mangagngarap na naman ako ng gising ngayon pero gusto ko i share sayo lahat ng mga idea ko.

Bonna, Mahal na mahal talaga kita eh. Siguradong sigurado ako sa nararamdaman ko. Sa buong buhay ko ngayon lang ako naging ganito kasigurado sa isang bagay, Alam na alam ko sa sarili ko mahal na mahal kita. Di ko alam kung magugustuhan o mamahalin mo rin ako pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Kung di mo ko magustuhan na maging boyfriend mo okay lang, masasaktan ako syempre pero masaya na ren. Kung di ako mabigyan ng chance na ipakita, iparamdam sayo kung papano kita mahalin bilang girlfriend, sasarilinin ko na lang. Di na ko babaling sa iba ayoko na magmahal ng iba kahit pa ayawan mo ko. Kase yung pagmamahal na ibibigay ko sayo para sayo lang yon, hindi para sa iba. Tumigil na puso ko sayo. Tumigil na talaga alam ko di na ko magmamahal pa uli ng iba. Maari syempre magkaka gusto rin ako sa iba yung parang crush, normal naman yon sa mga tao pero hanggan dun na lang yon.Pero yung puso ko di na magmamahal ulit. Sabi ko nga eh huminto na puso ko sayo. Sayong sayo lang ang puso ko habang nabubuhay ako hanggang sa pagtanda ko. Kung sasabihin mo na nagsasalita ako ng tapos, Oo nagsasalita ako ng tapos ngayon. alam na alam ko di ko na kaya magmahal pa uli ng iba. Ngayon ko lang mas nakilala sarili ko. Masayang masaya ako kase nakilala kita.

Yung mga time na magkasama tayo kahit sa mga simpleng pagkakataon lang, pag kumakain tayo, kahit naka upo lang sa tabe, o kaya kahit pag palakad lakad lang tayo , sobrang saya ko talaga. Sa buong buhay ko yung mga time na magkasama tayo yun yung maaalala ko pagtanda ko na pinaka masasaya. Baka isipin mo nag iinarte na namana ako pero seryoso ako sa mga sinasabi ko. Kung tutuusin wala namang kabagay bagay yung mga time na magkasama tayo, Pero para saken treasure ko yon. yung mga time na magkasama tayo ang saya saya ko. Ganun ka ka special saken.

Pag malungkot ka mas nalulungkot ako, di ko alam kung baket, siguro dahil sa sobrang concern ako sayo. Pag masaya ka masaya rin ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. Ngayon lang ako naging ganito kasaya pag kasama ko ang isang tao. Mahal na mahal talaga kita. Alam ko maraming nagkakagusto sayo kase maganda ka, Pero di kita minahal ng dahil sa ganun. Mas maganda ka sa loob. Yung pagkatao mo, yun ang mas minahal ko hindi yung physical appearance mo. Ibang iba ka sa lahat ng tao na nakilala ko, mapa babae mapa lalake. Ikaw ang pinaka magandang puso na nakita ko.

PANAHON NATIN


Kakapalan ko na mukha ko kase nasabi ko na naman sayo yong nararamdaman ko. Mahal na mahal kita. Inisip ko nung una na wag nang sabihin sayo kasi baka lumayo ang loob mo sakin. Inisip ko na pag lumayo ang loob mo maiilang ka na na lumapit sakin sa oras ng problema, Alam mo naman na lagi lang ako nandito para sayo. Alam ko nagtiwala ka na rin sakin. Ako nagtitiwala rin sayo Kaya sana wag mo ikagagalit ang pagtatapat ko sayo. Alam ko kase marami nanliligaw sayo maraming nangungulit, Natatakot ako na magkagusto ka sa isa sa kanila. Kaya sasabay na lang ako sa kanila, sasabayan ko na lang sila baka may puwang ako dyan sa puso mo.

Di ko alam kung ano naging reaksyon mo nung sinabi ko, Pero sana di pa rin nawawala tiwala mo sakin. Di naman ako magbabago sayo ako pa rin yung kaibigan mo na laging nandyan para sayo. Kung naghahangad man ako na mahalin mo rin ako sana mapatawad mo ko. Mahal na mahal talaga kita, Alam na alam ko sa sarili ko kase ngayon lang ako nakaramdam ng gamito, Ibang iba sa lahat ng pakiramdam kaya alam ko totoo to. Nung una na nagkita tayo nung November dun sa labas ng mercury naalala mo ba yon? May binanggit ako sayo non tungkol kay Laarni, Parang gusto lang kita kuhanan ng mga impormasyon non tungkol sa kanya. Tapos naging magkaibigan tayo di ba? Don kita talagang nakilala. Ibang iba ka pala dun sa Bona na kinekwento nila, Ibang iba ka. Ibang pagkatao yung nakita ko sayo.kaya ang laking pasasalamat ko na naka kilala ako ng taong kagaya mo kasi totoong tao ka. Nung naging kaibigan kita akala ko nung una pandagdag ka lang sa listahan ng mga kaibigan ko. Pero ibang iba ka sa lahat Kaya mas pinahalagahan kita sa lahat ng mga kaibigan ko. Oo pinapahalagahan kita kesa sa lahat ng mga naging kaibigan ko. Mas minahal kita sa lahat ng tao na nakilala ko. Aaminin ko sayo ngayon lang ako nagmahal ng tao dahil nakilala ko yung pagkatao nya. Usually kase pag nagmahal ako nauuna yung attraction, I mean pag naatract ako sa isang babae saka ko lang sya mamahalin pag gusto ko yung physicallity nya. Pero sayo ibang iba mas minahal kita dahil sa personality mo, dahil sa pagkatao mo. Date nga ayoko sa mga babaeng umiinom eh, At mas ayaw na ayaw ko sa babae ay yung nag yoyosi, ayoko rin sa mataba. Pero minahal talaga kita mahal na mahal na kita dahil sa pagkatao mo, nakita ko yung puso mo. Minahal kita dahil maganda ang puso mo.

Alam ko nararamdaman ko na may dahilan kung bakit tayo pinagkita. Alam na alam ko. Maaring tumutol ka pero sa tingin ko.,.,. para tayo sa isat isa, Oo para tayo sa isat isa, konek konek talaga mga buhay naten, konek konek talaga. Di mo ba nakikita yung irony? ironic talaga. Pero di nangyayari tong mga bagay na to nang walang dahilan. Sa tingin ko para tayo sa isat isa. Parehas tayo nanggaling sa masamang nakaraan. magkaka konek konek din yon. Pero nalampasan natin lahat yon. Nalampasan natin lahat. Tapos na sila sa buhay naten, Panahon na natin ngayon. Alam ko may mga naka relasyon ka na rin pagkatapos nung nakaraan mo, Ganun din naman ako may mga dumating din sa buhay ko pagkatapos nung masamang nakaraan ko. Pero di mo ba nakikita yung irony na pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana?

Siguro tatawanan mo na ko ngayon, sasabihin mo "weeeeird?" pero seryoso ako sa mga sinasabi ko, May dahilan kaya tayo pinagtagpo, Panahon na natin ngayon, tapos na yung mga nakaraan natin. Bona mahal na mahal talaga kita, yun yung isa pang irony di ko alam kung pano nangyare pero mahal na mahal na talaga kita. Sana pag isipan mo tong mga sinasabi ko. Sabi mo may naging boyfriend ka nung nakaraan nung uminom tayo, pero sabi mo di mo sya mahal sabi mo tanggap nya na may anak ka. Di ko kilala yung lalaking yon pero sigurado ako mas mahigit yung pagmamahal ko keysa sa kanya. Ganun talaga mga lalake pag maganda yung babae okay lang sa kanila kahit may anak kase parang tingin nila sa magandang mapapangasawa ay parang "trophy wife" parang payabang na lang. Pero di ako ganun sayo Oo tanggap ko rin na may anak na alam ko rin na nanggaling ka sa masamang nakaraan, ganun din naman ako, nanggaling din sa masamang nakaraan. Di mo ba naiisip na may ibig sabihin ang lahat, Gaya nga ng sinabi ko, Panahon na natin.

Di ko alam kung ano pa ang gusto mo sa buhay pero may alam ako na hinahanap mo kahit di mo sabihin,., naghahanap ka ng katahimikan,,. di ba totoo? ganun din ako naghahanap din ako ng katahimikan. Gusto mo maging payapa ang isip mo. Ganun din ako. Alam ko masyadong mabilis tong mga sasabihin ko. Pero gusto ko malaman mo na naghihintay ako ng sagot mo kung mahal mo ako o hinde. Bona mahal na mahal kita. Kung ano ang maging desisyon mo igagalang ko. Kung mamahalin mo rin ako gagawin natin kung pano ang gusto mo mangyare. Kung date ikaw ang kino kontrol ngayon iibahin na natin. Gusto ko ikaw ang magpapasya kung papano tayo. Kung mamahalin mo ko, kung gusto mo na maging mag nobyo lang tayo hanggang sa pagtanda natin okay ako ron, Kung gusto mo na magsama tayo gagawin natin. Kung papayag ka kahit ngayong oras na binabasa mo to pakakasalan kita,,. Oo tama yang nabasa mo nakahanda akong pakasalan ka kahit ngayong oras dyan sa munisipyo. Bona mahal na mahal kita sana pag isipan mo to. Sana wag mo sayanging ang pagkakataon natin walang masama kung susubukan mo na mahalin ako. Pwede mo naman akong iwanan kung gustuhin mo, Pero sinisiguro ko sayo kung papano kita mamahalin bilang nobya o bilang asawa or kung ano gusto mo ,. sinisiguro ko hindi ka pa nakakaranas ng ganon.

Igagalang ko kung ano maging desisyon mo.,., Pasensya ka na sa mga pinagsasasabi ko ngayon lang kasi ako naging ganito kasigurado sa nararamdaman ko. Itutuloy lang natin yung mga dapat na nangyari sa buhay natin, Ikaw ginusto mo lang naman na mahalin ka nya ng tapat Ginusto mo na igagalang ka nya Pero di nya yun nagawa sayo. Ako naman ginusto ko lang na mahalin ko sya habang buhay, na makasama sya habang buhay, Pero di talaga kami pepwede sa isat isa. Ituloy na lang natin yon, yong mga pinangarap mo na gagawin nya sayo itutuloy ko para sayo, Yung mga hindi nya nagawa para sayo gagawin ko para sayo, Lahat ng ayaw mo sa kanya ipinapangako ko na hinding hindi mo yon makikita saken, na hinding hindi mo yon mararanasan saken, Mahal na mahal kita, Hinding hindi kita kayang saktan kahit saktan ka sa damdamin mo lang di ko kaya yon, ngayon lang ako nagmahal ng ganito. May mga pagkakamali na rin ako sa buhay na di ko dapat ginawa, wala namang perpekto pero natuto na tayo parehas. Yung mga pangarap ko date ikaw naman ang magtutuloy, Hayaan mo lang ako na mahalin ka yun lang na hindi mo ko iiwan kahit na anung mangyari. Magkakasama tayo sa hirap at sa ginhawa, Na hindi mo ko iiwan, at hindi kita iiwan. Pasensya ka na alam ko iisipin mo nangangarap ako ng gising, Pero maliwanag isip ko ngayon. Bonna mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita. Di ba ang ganda ganda non, na nagmamahalan tayo, na igagalang kita na mamahalin kita higit pa sa buhay ko tos ikaw naman di mo ko iiwanan kahit kailan. Matagal mo nang pinangarap tong pagmamahal na to, Matagal ko na rin pinangarap to, Sana bigyan mo tayo ng pagkakataon, wag natin sayangin ang chance, Alam ko pangit ako pero ako lang ang magmamahal sayo ng totoo nilalahat ko na sila ako lang, Panahon na natin ngayon. Walang half timing half luck dito, alam ko Destiny natin to